Dalagita ni-rape-slay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 13-anyos na dalagita makaraang pilahan ng anim na kabataang lalaki ay pinagsasaksak pa hanggang sa mapatay sa bisinidad ng Lapu-Lapu City, Cebu noong Miyerkules ng gabi. Ayon kay P/Senior Supt. Mariano Natuel, ang biktimang si Charisa Ann Baring Sarusal na residente ng Looc District ay nagtamo ng 60-saksak ng icepick at kutsilyo na kagagawan mismo ng mga kapitbahay nito. Narekober ng mga awtoridad noong Biyernes ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Purok Gumamela. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang mga suspek kabilang na ang tatlong menor-de-edad at si Victorio Berdin Yamis, 19. Joy Cantos

Show comments