Trak vs bus: 20 sugatan

BULACAN, Philippines – Umaabot sa 20 sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang magsalpukan ang cargo truck at pampasaherong bus sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad Highway sa Barangay Tarcan, Baliuag sa Bulacan kahapon ng umaga. Naisugod naman sa Our Lady of Mercy General Hospital sa bayan ng Pulilan ang mga biktima. Ayon kay PO3 Eduardo Solian, patungong Pasay City ang Five Star Bus (AVR298) na minamaneho ni Efren Reyes nang makasalubong ang cargo truck na patungo naman Nueva Ecija. Kasalukuyan naman pinaghahanap ang drayber at pahinante ng truck. Dino Balabo

Show comments