^

Probinsiya

Lasing na pulis kinalaboso sa pamamaril sa police aide

-

Himas rehas ang isang bagitong pulis makaraang ma­maril sa isang police aide habang nasa impluwensya ng alak kamakalawa ng gabi sa Barangay San Roque, Antipolo City.

Kinilala ang suspek na si PO1 Ethelberto Castro, 38, nakatalaga sa Eastern Police District at residente ng Phase II Brgy. San Roque.

Suwerte namang hindi tinamaan ng bala ang biktimang si Noel Leonen, police aide ng Regional Intelligence Group ng Region 4.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-7:30 ng gabi matapos na makasalubong ng biktima ang suspek na lango sa alak at hawak ang kanyang 9mm na service firearm.

Bigla na lamang umanong itinutok ng suspek ang hawak nitong baril sa biktima na ikinabigla nito at nang maram­damang hindi nagbibiro ang una ay agad itong tumakbo habang pinapaputukan ito ng suspek.

Agad na nakahingi ng tulong sa himpilan ng pulisya ang mga nakakita sa insidente na mabilis namang rumesponde.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin siya ng kanyang mga kabaro. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN ROQUE

BIGLA

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

ETHELBERTO CASTRO

NOEL LEONEN

REGIONAL INTELLIGENCE GROUP

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with