^

Probinsiya

Ex-jailguard sabit sa pagdukot sa 3 tauhan ng Red Cross

-

Kasalukuyang iniimbes­ti­gahan ng mga awtoridad ang posibilidad na isang jailguard na natanggal sa trabaho ang kasabwat ng bandidong Abu Sayyaf sa pagkidnap sa tatlong mi­yembro ng International Committee of the Red Cross sa Patikul, Sulu ka­makalawa.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Nelson Allaga na, batay sa testimonya ng ilang saksi, ang hindi nito pinangalanang jailguard ang isa sa humarang sa sasakyan ng mga biktima.

Ang mga kidnapper ay natukoy na mula sa grupo ni Abu Sayyaf Commander Albader Parad.

Ang mga kinatawan ng ICRC sa pangunguna ng Swiss national na si An­dreas Notter ay dinukot alas-11:30 ng umaga ni­tong Huwebes.

Ang dalawang iba pa ay sina Eugenio Vagni, Italian, at Jean Lacaba, isang Pi­lipina. Nagtungo ang tatlo sa Sulu para bisitahin ang nakumpleto nang sanitation project sa Sulu Provincial Jail.

Sa isang ulat ng GMA News, ilang impormante ang nagsabing mga me­nor-de-edad na kabataan ang kabilang sa kidnapper ng mga biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBADER PARAD

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-WESTERN MINDANAO COMMAND CHIEF

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JEAN LACABA

JOY CANTOS

NELSON ALLAGA

SHY

SULU PROVINCIAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with