Pasyente tinodas sa ospital

Isang suspek sa pama­maslang ang binaril at na­pa­tay ng hindi pa nakikila­lang salarin sa loob ng Dr. Rafael S. Tumbokon Me­mo­rial Hospital sa Kalibo, Aklan kahapon ng mada­ling-araw.

Sinasabi sa ulat ng pu­lisya na naganap ang pa­mamaril bandang alas-3:00 ng madaling-araw na nag­bunsod ng pagkataranta ng pasyente, ng kanilang pa­milya at ng mga empleyado ng ospital.

Sinasabi sa ulat ng Ka­libo Police na pumasok ang salarin sa pribadong silid ng biktimang si Rogelio Fernandez, 47-anyos, ng Barangay Nalook, Kalibo bago ito binaril nang apat na beses.

Nabatid na si Fernan­dez ay nahaharap sa ka­song murder sa Kalibo Regional Trial Court. Naga­nap ang kaso noong Enero 2007.  

Lumitaw sa imbestigas­yon na pumasok sa natu­rang silid ang salarin nang magtungo sa isang banyo ang bantay ni Fernandez na si Jail Officer Robert Inaudito bago binaril ang biktima.

Nagawa umano ng sa­larin na makatakas dahil sa kalituhan at pagkataranta ng ibang mga taong nasa ospital.

Ayon sa ilang saksi, may taas na 5’9 ang sus­pek at nakasuot ng itim na t-shirt.

Show comments