^

Probinsiya

Anak inutas, ama nag-suicide

-

Binaril at napatay ang kolehiyalang anak ng kan­yang ama bago nag-suicide naman ang huli sa na­ganap na panibagong tra­hedya sa bayan ng Bu­gallon, Pangasinan kama­ka­lawa ng gabi.

Nasapol sa ulo ng bala ng baril ang nag-iisang da­lagang anak na si Ayessa Navarro, 4th year College student at ang ama na nag­baril din sa ulo ay nakila­lang si Dominador Navarro Reyes, negosyante at kapwa naninirahan sa Brgy. Cayanga.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang kri­men dakong alas-9 ng gabi sa tahanan ng mag-amang Navarro.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng mag-ama, narinig nilang nag-aaway ang dalawa na humantong sa pagsisigawan kung saan umalingawngaw ang dalawang putok ng baril.

Nagtamo ng tama ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo ang dalaga at idinek­larang patay sa  Trauma Center sa Dagupan City.

Matapos mabaril ang anak ay nagpakamatay din ang ama sa pama­magitan ng pagbaril sa kanyang ulo.

Patuloy naman masu­sing pagsisiyasat ng pulis­ya. Joy Cantos

vuukle comment

AYESSA NAVARRO

BATAY

BINARIL

BRGY

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

DOMINADOR NAVARRO REYES

JOY CANTOS

SHY

TRAUMA CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with