^

Probinsiya

Batang epileptic, 1 pang nene ginahasa bago tinodas

-

Dalawang batang ba­bae ang nabiktima ng ka­rumal-dumal na krimen sa magkahiwalay na lugar sa Bicol nang pagsamantala­han at paslangin sila ng mga salarin.

Kahapon ng umaga, sa Camalig, Albay, natagpuan ang bangkay ng isang 11-anyos na batang babae sa hangganan ng mga ba­rangay ng Binitayan at Taladong dito kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Esperanza Nario, isang may sakit na epilepsy at re­sidente ng Purok 4, Ba­rangay Binitayan.

Gayunman, ang isang suspek na kaagad naman na hinuli ng mga awtoridad base sa pahayag ng isang saksi ay kinilalang si Lo­renzo Nebria 22, binata, jobless at residente ng Ba­rangay Gapo ng nabang­git na bayan.

Ayon kay SPO1 Ar­mando Rebali, ang bang­kay ng biktima ay natag­puan dakong alas-8:00 ng umaga ng mga barangay official at ng mga kamag-anak nito. Hubo’t hubad ang biktima na ang bibig ay pinasakan ng panty at ang bangkay ay natatakpan ng mga dahon ng saging.

Nabatid na, noong Lu­nes ng umaga, nagpaalam sa kanyang ina ang biktima para mamulot sa labas ng mga bunga ng pili pero hindi na siya nakauwi mula noon.

Sa isinagawang imbes­tigasyon ng mga awtori­dad, umamin ang suspek sa krimen.

Napag-alaman pa na ang suspek ay halos may apat na buwang tumira sa bahay ng isang testigo sa krimen na nakunsen­siya kaya nagsumbong sa mga awtoridad.

Samantala, karumal­dumal na kamatayan din ang sinapit ng isa pang siyam na taong gulang na batang babae na hinina­lang ginahasa muna bago pina­tay at itinago ang bang­kay nito sa loob ng poso negro sa isang bakanteng bahay na natagpuan kahapon ng umaga sa Barangay Abad, Ragay, Camarines Sur.

Nakilala ang biktima na si Mary Rose Buban, isang grade 3 pupil at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas- 7:45 ng umaga matapos na makaamoy ng masang­sang ang mga residente sa lugar at nang tingnan ng mga ito ang pinanggaga­li­ngan ay laking gulat na la­mang nang makita ang na­aagnas na bangkay ng bata.

Sinabi ng ina ni Mary Rose na si Marilyn na nawa­wala noon pang Octubre 17 ang kanyang anak matapos utusang bumili ng sabong panglaba sa kalapit na tin­dahan. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY ABAD

BINITAYAN

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ESPERANZA NARIO

ISANG

MARY ROSE

MARY ROSE BUBAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with