Pulis dinedo dahil sa selos

Sabog ang tiyan ng isang misis na pulis maka­raang ba­rilin ng shotgun ng seloso nitong mister sa bayan ng Kolambugan, Lanao del Norte, kamaka­lawa.

Idineklarang patay sa  Mercy Hospital sa Iligan City ang biktimang si PO1 Eliza Gilig, 34, saman­talang na­aresto at pormal na kinasu­han ang suspek na si Gio­vanni Gilig.

Sa report ng provincial police office na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa tahanan ng mag-asa­wang Gilig sa Lower Agustin Heights, da­kong alas -5:30 ng uma­ga.

Napag-alamang suma­sa­ilalim sa field training program ang biktima kaya bihira lamang umuwi kaya sina­sabing mada­las mag-away ang mag-asawa dahil sa sobrang pag­ka­seloso ng suspek gayong bahagi ng propesyon ng kaniyang misis ang pag­sasanay.

Nabatid na muli na na­mang nagtalo ang mag-asawa hang­gang sa ma­uwi sa krimen ha­bang patuloy ang imbestigas­yon. (Joy Cantos)

Show comments