^

Probinsiya

Cartho-sketch ng kidnaper, inilabas na

-

CAMP VICENTE LIM, La­guna  – Inilabas na sa mga mamamahayag ang cartho­graphic sketch ng isa sa da­lawang suspek na du­mukot sa hipag ni Laguna Vice Governor Ramil Her­nan­dez sa ha­rap ng computer school noong Bi­yernes ng umaga sa Ca­lamba City, Laguna.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr, Laguna police director, ang natu­rang suspek na isinalara­wan ng anak ng biktima ay may edad na 36-anyos pataas, 5’6 hanggang 5’7 ang taas, mas­­kulado at maitim ang balat.

Sa naging pagpupulong ng mga awtoridad at pa­milya Hernandez, nagde­sisyong lu­mabas ang pa­milya ng bik­tima sa media para humingi ng tu­long sa pagpapakalat ng cartho­­graphic sketch ng suspek.

Sa tala ng pulisya, di­nukot ang 32-anyos na hipag ni Vice Governor Hernandez na si Jocelyn ng dalawang di-pa kilalang kalalakihan habang nasa harap ng Asian Compu­ter College sa Ba­rangay Ma­yapa bandang alas-9 ng umaga.  

Napag-alamang sina­ma­­han ni Jocelyn na magpa-en­roll ang anak na si Aiza nang lapitan ng mga suspek at pilit na inaagaw ang handbag nito.

Nang tumangging ibigay ni Jocelyn ang bag, sinik­mu­raan ito bago isinakay sa traysikel nang mawalan ito ng malay-tao.

Ayon sa mga saksi, su­mi­bat patungong Barangay Ba­tino ang mga suspek habang iniwan naman ang batang Her­­nandez sa na­banggit na lugar.

“Nananawagan kami sa mga tao na baka sakaling may nalalaman sa pang­ya­yari na sana ay makipag-ugnayan lang sa amin o sa mga alagad ng batas,” pa­nawagan ni Vice Gov. Her­ nandez

“Hindi planado ang pag­dukot sa biktima, bag lang talaga ang target nila but she just became a target of opportunity nung mawalan s’ya ng malay-tao,” paha­yag ni Rojas.

vuukle comment

ASIAN COMPU

AYON

BARANGAY BA

FELIPE ROJAS

JOCELYN

LAGUNA VICE GOVERNOR RAMIL HER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with