Baby kinatay ng adik

LEGAZPI CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang batang babae na pinagtataga ng nag-iisang lalaking adik sa loob ng kanilang bahay na ikina­sugat din ng malubha ng tatlo iba pa sa naganap na madugong karahasan sa Barangay Daculang Tubig, San Fernando, Camarines Sur noong Martes ng gabi.

Halos nagkaputul-putol ang murang katawan ng isang taong gulang na si Nica Novero, samantalang ginagamot naman sa Bicol Medical Center sa Naga City sina Miguela Novero, 42; Norie May Novero 10, grade 4 pupil at si Lionel Novero, 4.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen ganap na alas-7 ng gabi habang ang mag-iinang biktima ay mag­kakasamang naghaha­pu­nan sa loob ng kanilang tahanan.

Napag-alamang nanlili­sik ang mga mata ng sus­pek na may hawak na ma­talim na itak nang pumasok sa loob ng bahay ng mga biktima

Kaagad na napuruhan si Nica na nakaharap sa kan­yang ina at isinunod na tagain ay ang mag-iinang magkakatabi sa hapag-kainan.

Nabatid na itinaon ng suspek na wala ang mister na si Miguel Novero dahil hindi na ito nakakauwi mula sa kanyang trabaho.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ang mga anggulong paghihiganti at napagtripan lamang na isagawa ang krimen dahil sa pagiging adik ng suspek.

Show comments