Pulis tinodas ng NPA

BACOLOD CITY    Isang pulis ang binaril at napatay ng tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa harap ng kanyang asawa sa isang palengke sa Cauayan, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Nagkasugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan dahil sa mga tama ng bala ang biktimang si Police Officer 3 Dan Malunes ng Cauayan Police Station.

Hindi sinaktan ng mga suspek ang kanyang misis.

Tinatayang nasa edad na 20-anyos ang mga suspek na hinihinalang miyembro ng special partisan unit ng NPA.

“Walang kalaban-laban ang pulis natin, tinira sa ulo,” sabi ni Senior Supt. Rosendo Franco, provincial police director ng Negros Occidental.  (Antonietta Lopez)

Show comments