2 obrero dedo sa kuryente

CAMP CRAME – Dalawang obrero ang iniulat na namatay habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang makuryente sa construction site sa Barangay Libertad, Butuan City, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon. Halos natusta ang katawan ng mga biktima na sina Arnold Rosales, 21; at Paul Edward Somera, 23, kapwa naninirahan sa Village 2 ng nabanggit na barangay. Nasa MJ Santos Hospital naman si Anselmo Avila ng Maharlika Maa, Davao City. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, napadikit ang mga biktima sa talop ng linya ng kuryente kaya naganap ang insi­dente. (Joy Cantos)

Show comments