3 mag-utol niratrat

Batangas City — Tatlong magkakapatid ang napatay ng apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo matapos tambangan sa kahabaan ng highway sa Lemery, Batangas kamakalawa.   

Kinilala ni Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang biktimang sina Lorenzo Serrano, 23 at mga kapatid nitong sina Mario, 38 at Roman, 28, pawang mga residente ng Bgy. Apacay, Taal, Batangas.

Ayon sa report, kagagaling lang ng magkakapatid sa isang hearing sa Nasugbu at papauwi na sana sakay ng isang tricycle nang pagbabarilin ng mga suspek sa kaha­baan ng highway sa Bgy. Bucal bandang 5:30 ng hapon.

Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong land dispute na posibleng motibo ng pamamaslang. (Arnel Ozaeta)

Show comments