^

Probinsiya

13-anyos pinatay ni tatay

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  – Pasko ni ka­matayan ang suma­lu­bong sa pag­lalaro ng  isang 13-anyos na batang lalaki ma­ta­pos barilin sa ulo ng sa­riling ama sa Barangay Pi­nada, Calabanga sa Ca­ma­rines Sur, kama­kalawa ng hapon.

Sabog ang bao ng ulo at nagkalat ang utak ng bikti­mang si John Gil Catim­bang, samantala, ang sus­pek na kaagad naman sumuko sa mga opisyal ng barangay may ilang oras matapos ang krimen ay kinilalang si Ro­dolfo Ca­timbang, 38, biyudo at kapwa residente ng na­banggit na barangay.

Napag-alamang mag-isang nagdaos ng Kapas­kuhan ang suspek sa loob ng kanilang bahay na nag­pakalango sa alak.

Ganap na alas-3 ng ha­pon nang lumabas ng ka­ni­lang bahay na lango na sa alak at nang mamataan ang anak na lalaki na naki­kipag­laro sa ibang bata ay bigla nitong nilapitan  at binaril sa ulo.

May posibilidad na na­rin­di ang suspek  sa ingay ng kanyang anak na nagla­laro kaya pinatahimik ito.

Matapos ang pamamaril ay kaagad naman na tu­makas ang suspek, subalit dakong alas-6:45 ng gabi ay nagtungo sa bahay ng kanilang barangay captain at isinuko ang kanyang sa­rili.

Sa kasalukuyan iniha­handa na ng mga aw­to­ri­dad ang pagsasampa ng kasong parricide la­ban sa suspek na na­kakulong sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY PI

CALABANGA

GANAP

JOHN GIL CATIM

LEGAZPI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with