^

Probinsiya

Bomba nilagari, sumabog

-

Apat na mangingisda ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan nang suma­bog ang isang napulot nilang vintage bomb habang tina­tangka nila itong lagariin sa Zambo­anga City kama­kalawa.

Kinilala ni Police Regional Office-9 Director Chief Supt. Jaime Caringal ang mga na­sawi na sina  Danny Alkasi,  Zaldi Sali, Junel Tiblani,  pawang nasa hustong gulang  at ang menor-de-edad na si Majalal  Abdulmuin.

Agad na nasawi ang mga biktima nang magkagutay-gutay ang katawan sa pag­sa­bog ng bomba na pina­pani­walaang nagmula pa noong panahon ng World War II.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Zam­boanga City Medical Center  ang mga nasugatang sina Antonio Martinez at  Jennery Jalmani na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

  Ayon sa pulisya, napulot ng mga mangingisda ang bomba sa tabing-dagat ng Barangay Rio Hondo ng na­turang lunsod kama­kalawa ng hapon.

Iniuwi ng mga mangi­ngisda sa bahay ng isa sa mga biktima ang bomba at doon nila ito tinangkang lagariin  hanggang sa suma­bog ito. Joy Cantos

vuukle comment

ANTONIO MARTINEZ

BARANGAY RIO HONDO

CITY MEDICAL CENTER

DANNY ALKASI

DIRECTOR CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with