Sound of the youth

Aabot sa  US$3 milyong donasyon ng Toyota Motors Corp (TMC) sa Philippine government upang gamitin sa pagtatanim ng punong­kahoy sa may 3,500 ek­tarya ng lupa sa Cagayan Valley.

Ayon sa Malacañang, mismong si Akira Okabe, senior managing director ng TMC, ang nagbigay ng donasyon kay Pangulong Gloria Arroyo nang mag-courtesy call ito sa Punong Ehekutibo sa Imperial Hotel sa Tokyo noong Huwebes ng hapon.

Pinasalamatan ng Pa­ngulo si Okabe dahil sa patuloy na pagtitiwala ng TMC sa kanyang adminis­trasyon matapos mag­desis­yon palawakin pa ang kanilang R-type transmis­sion plant sa Sta. Rosa City, Laguna.

Noong Marso 15, 2007, pinangunahan ng Pangulo ang groundbreaking rites ng Toyota Autoparts Philip­pines (TAP) R-type trans­mission plant na nila­anan ng P5.6 bilyon expan­sion program ng kom­panya.

Magtatayo rin ng ba­gong pasilidad ang TMC sa loob ng 82-ektaryang To­yota Special Economic Zone sa Sta. Rosa City, Laguna ang TAP. Malou Escudero

Show comments