Canvassing of votes stopped in Bangued

BANGUED, Abra – Ni­ratrat hanggang sa ma­patay ang isang taga­pama­hala sa bayan ng Bangued, Abra ng ’di-kila­lang lalaki sa isa na naman poll-related violence inci­dents kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alex Pumecha, pro­vincial police director, ang biktima na si Francis Acena na inupakan sa panulukan ng Washington at MH del Pilar Streets, habang pa­pauwi.

Napag-alamang nagla­lakad ang biktima patungo sa kanyang opisina nang salubungin ng isang ’di-kilalang lalaki bago isina­gawa ang pamamaslang.

Palakad lamang na lumayo ang killer matapos na bumulagta ang biktima sa mataong lugar na pina­niniwalaang may mga testigong namukhaan ang suspek.

Samantala, sa hindi nabatid na dahilan ay biglang pinatigil ng lokal na Comelec ang canvassing sa bayan ng Tineg, Abra simula pa noong Biyer­ nes. Inilipat sa bayan ng Bangued, ang bilangan sa nasabing bayan dahil na rin sa tumitinding ten­syon ng magkalabang kandi­dato. (Myds Supnad)

Show comments