^

Probinsiya

Engkuwentro: 6 lagas, 13 sugatan

-
CAMP AGUINALDO — Anim na ektremistang Muslim mula sa nagsanib na puwersa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang iniulat na napaslang habang 13 naman sundalo ng pamahalaan ang nasugatan sa naganap na madugong engkuwentro sa bayan ng Indanan, Sulu kamakalawa.

Sa pahayag ni Brig. Gen. Reynaldo Mapagu, hepe ng First Scout Ranger Regiment (FSSR), naitala ang sagupaan dakong alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng hatinggabi sa magubat na sakop ng Barangay Buan, Indanan.

Napag-alamang kumanlong ang mga bandidong Abu Sayyaf sa teritoryo ng MNLF sa nasabing lugar kung saan tumulong ang nasabing rebel faction ni dating ARMM Governor Nur Misuari sa grupo ng mga bandido.

Base sa report ni Lt. Col. Ramon Yogyog, kabilang sa mga nasawi ay ang limang bandidong Abu Sayyaf.

Sa text message naman ni Brig. Gen. Ruperto Pabustan, chief ng Joint Special Operations Task Force, anim ang kabuuang nasawi sa panig ng mga kalaban base na rin sa ulat ng mga intelligence asset.

Samantala, itinatanggi naman ng MNLF na may ugna yan sila ng Abu Sayyaf Group na kilalang kaalyansa ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist.

Noong unang linggo ng Pebrero ay pinigil ng grupo ni MNLF Commander Ustadz Habier Malik, ang peace team ng pamahalaan na pinamumunuan ni Marine Brig. Gen. Ben Dolorfino sa Camp Bitanag, Panamao, Sulu.

Magugunita na ang MNLF ay lumagda sa peace agreement ng gobyerno noong 1996 sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Fidel Ramos, subalit matapos ang ilang taon ay bumaligtad ang lider nitong si Misuari sa pagsasabing hindi naiimplementa ng maayos ang kasunduan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BUAN

BEN DOLORFINO

CAMP BITANAG

COMMANDER USTADZ HABIER MALIK

FIRST SCOUT RANGER REGIMENT

GOVERNOR NUR MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with