^

Probinsiya

Magbestfriend niratrat: 1 patay!

-
CAVITE – Patay ang isang binata habang malubhang nasugatan ang matalik nitong kaibigan nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki habang nanonood ng basketball ang mga biktima sa Brgy. San Jose, Tagaytay City kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot bunsod ng tinamong tama ng bala sa sentido at katawan ang biktimang si Ruben Concepcion, 21, walang hanapbuhay habang sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Tagaytay ang kaibigang si Leonel Serswelas, 22, binata, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Joel Anggue, may hawak ng kaso, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente.

Nabatid na habang nasa kasarapan ng panonood ng basketball ang magkaibigan nang bigla na lang sumulpot ang hindi nakilalang suspek sa kanilang harapan. Walang sabi-sabi nitong pinaputukan ng sunud-sunod ang mga biktima kung saan napuruhan naman si Concepcion.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang pulang motorsiklo bitbit ang cal. 38 na ginamit sa pamamaril.

May suspek na ang pulisya sa krimen ngunit patuloy pa silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil dito. (Cristina Go Timbang)

vuukle comment

BRGY

CONCEPCION

CRISTINA GO TIMBANG

JOEL ANGGUE

LEONEL SERSWELAS

MABILIS

NABATID

RUBEN CONCEPCION

SAN JOSE

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with