^

Probinsiya

Bomber nakapuga sa selda

-
Itinakas ang isang bilanggo na nakulong sa kasong pambobomba sa Cotabato City matapos na isang armadong lalaki na hinihinalang may koneksyon sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group ang puwersahang pumasok sa Maguindanao Provincial Jail at pakawalan ito kamakalawa.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nitong Sabado ng isang armadong lalaki na nakasuot ng camouflage uniform ang pumasok sa bilangguan at paulanan ng bala ng M-6 armalite rifle ang nasabing bilangguan.

Matapos ang paninindak ay agad tinungo ng suspek ang selda at pinawalan ang bilanggong si Badrudin Dalungan kung saan ay walang nagawa ang na-sorpresang mga jailguard.

Si Dalungan ay nakulong sa kasong pambobomba sa Awang Airport sa Cotabato City noong 2002 na kumitil at ikinasugat ng maraming inosenteng biktima.

Sa kasalukuyan, masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman ang pagpapasabog sa Mabini St. sa Cotabato City noong Sabado ng hapon sa naganap na pagtakas ng bomber.

Ang sumabog na bomba ay isang improvised explosive device na gawa sa 60 MM mortar na may nakakabit pang cellphone na siyang magpapasambulat sa bomba. Ang nasabing istilo ayon sa mga awtoridad ay tatak ng JI terrorist.

Wala namang naiulat na nasugatan sa naganap na pambobomba kung saan ay hinihinalang sinadya ito upang ilihis ang atensyon ng mga awtoridad sa nasabing piitan kung saan nakakulong ang naturang hinihinalang bomber.

Isang hot pursuit operations ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa pugante at sa tumulong dito. (Joy Cantos)

vuukle comment

AWANG AIRPORT

BADRUDIN DALUNGAN

BATAY

COTABATO CITY

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

MABINI ST.

MAGUINDANAO PROVINCIAL JAIL

SABADO

SI DALUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with