^

Probinsiya

2 motorista dedo sa sakuna

-
CAMARINES NORTE Dalawang motorista ang iniulat na namatay makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Bagtas sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kabilang sa nasawing biktima ay sina Rizaldy Moral ng Purok 2, Barangay Calasgasan, Daet; at Antonio Arcilla Jr. ng Purok 2, Barangay Mampili, Basud. Nasa kritikal namang kalagayan sa Bicol Medical Center si Elmer Balane ng Purok 9, Barangay Mantagbac, Daet. Sa ulat ng pulisya, nakipag-unahan ang motorsiklo (EQ6097) nina Moral at Arcilla sa trailer truck, subalit hindi napansin ang kasalubong na motorsiklo ni Balane (IE3766) kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan. Ayon pa sa pulisya, ang tatlo ay walang helmet habang nagmomotorsiklo sa highway. (Francis Elevado)
Biktima ng hit-and-run umapela
Umapela sa kinauukulan ang pamilya ng isang 20-anyos na dalagang namatay na naging biktima ng hit-and-run ng kotse sa hanganan ng Barangay Lagundi sa bayan ng Morong Baras, Rizal noong Undas (Nov. 1). Napag-alamang naglalakad pauwi ang biktimang si Joy Anne Tropicales, kasama ang kaibigang babae mula sa paglalamay sa puntod ng minamahal na yumao nang mahagip ng hindi nabatid na uri ng kotse na patungo sa bayan ng Baras, Rizal. Pinaniniwalaang lango sa alak ang drayber ng sasakyan na nakabundol sa biktimang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nanawagan ang pamilya ni Tropicales na makonsiyensya sana at sumuko sa pulisya ang drayber ng sasakyan para panagutin sa naganap na insidente. (Lilia Tolentino)
Magkaibigang tomador tinumba
CAMP CRAME
Naging huling araw ng magkaibigan ang inuman ng alak makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mga biktima ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na madugong karahasan sa Barangay Murcia, Silay City, Negros Occidental noong Miyekules ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawang pinaslang na sina Edgardo Santillan at Nelson Berganio. Sa ulat ni P/Senior Supt. Rosendo Franco, police provincial director sa Negros Occidental, naganap ang pamamaslang sa tahanan ni Berganio sa nabanggit na barangay. Nabatid na magkasamang nag-iinuman ng alak ang magkaibigan nang dumating ang mga killer at isagawa ang krimen. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

ANTONIO ARCILLA JR.

BARANGAY

BARANGAY BAGTAS

BARANGAY CALASGASAN

BARANGAY LAGUNDI

BARANGAY MAMPILI

NEGROS OCCIDENTAL

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with