^

Probinsiya

2 mountaineers nilamon ng lahar, patay!

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na matutupad ang pangarap ng dalawang kasamahan ng sikat na mountaineer na si Romy Garduce na akyatin din ang ituktok ng Mt. Everest makaraang higupin at tangayin sila ng rumaragasang lahar sanhi ng kanilang kamatayan habang nasa kalakasan ng ulan at papatawid sa Pasig Potrero River sa Porac ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Walter Castillejos ang mga biktima na sina York delos Santos, 25, binata, residente ng Cardona, Rizal at Bjon Baquiran, 24, ng Valenzuela, Metro Manila.

Sina delos Santos at Baquiran ay kapwa miyembro ng Mountaineering Federation of the Philippines kung saan nagmula si Garduce at kabilang sa 26 katao na umakyat sa bulkang Pinatubo na sumabog maraming taon na ang nakalilipas at sumalanta sa buong Pampanga at mga karatig lalawigan nito.

Base sa report, tanging ang dalawang biktima ang tinamaan ng malaking volume ng lahar habang ang iba pa nilang kasamahan ay papatawid rin sa naturang ilog.

Napansin lamang ng grupo ang pagkawala ng dalawang biktima nang matapos na silang makatawid sa ilog at naglalakad sa gawing kapatagan ng lahar may ilang kilometro ang layo sa Pasig Potrero River. Agad na humingi ng tulong ang mga mountaineers upang mahanap ang dalawang kasamahan at sa tulong ng Porac Municipal Disaster Coordinating Council nakita ang bangkay ng dalawa sa Sitio Catusig, Brgy. Inararo sa Porac. (Resty Salvador)

vuukle comment

BJON BAQUIRAN

METRO MANILA

MOUNTAINEERING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

MT. EVEREST

PAMPANGA

PASIG POTRERO RIVER

POLICE SUPT

PORAC

PORAC MUNICIPAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

RESTY SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with