^

Probinsiya

Magpinsan nalunod sa ilog

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Maagang kinalawit ni kamatayan ang magpinsang babae matapos na malunod habang lumalangoy sa dagat malapit sa gasolinahan na sakop ng Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon. Nakilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rose Ann Ardensani, 13 at Jennelyn Ferrer, 12 na kapwa residente ng Bagong Silang ng nabanggit na barangay. Ayon kay SPO1 Dante Ordono, hindi pa mabatid ang dahilan kung papaano nalunod ang dalawa na magkasamang nawawala. Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa narerekober ang katawan ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Timbang)
Aleman tinodas sa beach resort
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Palaisipan sa mga tauhan ng pulisya ang pagkakapatay sa isang 38-anyos na Aleman na tinadtad ng saksak sa katawan matapos na matagpuan ang bangkay nito sa baybaying dagat ng Dioneda’s Beach Resort sa bahagi ng Barangay Caricaran sa Bacon District, Sorsogon City, kahapon ng umaga. Bandang alas-5:45 ng umaga nang matagpuan ng may-ari ng resort ang bangkay ng biktimang si Wolfgang Plum, tubong Duren Merzenich sa Republic of Germany at pansamantalang nakatira sa 286 Alegre St, Sorsogon City. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arnold Revilla, provincial director, huling namataang buhay ang biktima na naglalakad mag-isa patungo sa Tolonggapo Beach Resort mula sa kanyang boarding house. Napag-alamang nakabulagta ang biktima na may nakapatong na bag sa dibdib kung saan tinakpan ang sugat ng patalim. (Ulat ni Ed Casulla)
4 tulak ng droga nadakma
BALANGA CITY, Bataan — Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng bawal na gamot ang dinakma ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Bataan, kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na kinilala ni P/Chief Insp. Luisito Magnaye ay sina Allen Dungo, 24, ng Barangay Tapulao, Orani; Ricardo Galiste, 37, ng Capitol Drive, Barangay San Jose, Balanga City; Ricardo Valera, 28, ng GSIS de Mesa Village, Barangay Mandama Hermosa; at Zaldy Vicente, 33, ng Zone 4, Barangay Camaya, Mariveles, Bataan. Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng ilang gramo ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana. (Ulat ni Jonie Capalaran)
13 timbog sa illegal fishing
CAMP CONRADO YAP, Zambales — Labintatlong sibilyan ang iniulat na dinakma ng mga tauhan ng 314th Police Mobile Group matapos na makumpiskahan ng kilu-kilong isda na ginamitan ng dinamita sa Sitio Luna na sakop ng Barangay Lipay sa bayan ng Palauig, Zambales, kamakalawa. Kabilang sa suspek na kinasuhan ay nakilalang sina Romeo Lopez, 39; Rolando Bristol, 44; Jing Damaso, 36; Rolando Campo, 16; Edwin Bago Devesa, 19; Anthony Guillos, 18 na pawang residente ng Mabini, Pangasinan; Reynan Abella Nieves, 23; Leo Castañeda, 20; Walter Nazo, 16; Charlie Gulang, 19; Vincent Doctor, 22; at Leopoldo Pulido na mga residente naman ng Dasol, Pangasinan. Ayon kay P/Sr. Supt. Edgardo Ladao, nasabat sa grupo ang dalawang bangka na pag-aari ni Jeremias Amita at maging Isuzu cargo truck na naglalaman ng 1,200 kilong isda na pinaniniwalaang ginamitan ng dinamita. (Ulat ni Fred Lovino)

vuukle comment

ALEGRE ST

ALEMAN

ALLEN DUNGO

ANTHONY GUILLOS

ARNOLD REVILLA

BARANGAY

SORSOGON CITY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with