Pulis patay sa ambush

LAGUNA — Tinambangan at napatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagmamaneho ng owner-type jeep sa kahabaan ng Barangay San Sebastian, Lipa City, Batangas kahapon.

Idineklarang patay sa Mediatrix Hospital ang biktimang si SPO1 Romullo Sabillo habang ang pamangkin nitong si Patricia Aquino, 5, ay nakaligtas sa pananambang. Sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga nang salubungin ng sunud-sunod na putok ang biktima mula sa kulay pulang sasakyang walang plaka. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments