4 patay sa hiwalay na karahasan

Apat-katao ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na karahasang naganap sa Palawan at Occidental Mindoro, ayon sa pulisya. Kabilang sa napatay ay nakilalang sina: Pacifico Agere Santia, 33, ng Brgy. Tayaman, Mamburao; Lucero Saulong, 46, ng Brgy. Iriron, Calintaan, Occidental Mindoro; Allan Nicor, 40, ng San Rafael, Navotas, Manila; at Bonifacio Olivar, 58, ng Brgy. Poblacion, Narra, Palawan.

Base sa ulat ng pulisya, sina Santia at Saulong ay kapwa sinaksak ng patalim sa magkahiwalay na barangay sa Occidental Mindoro, samantalang sina Nicor at Olivar naman ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklarang patay sa ospital na sakop ng Palawan. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments