^

Probinsiya

Mt. Resort nilusob ng NPA rebels

-
Cagayan de Oro City – Sinalakay ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang mountain resort sa bayan ng Medina, Misamis Oriental, kamakailan.

Sa naantalang ulat ng Medina Municipal Police Station, bandang alas-10 ng umaga nang sumalakay ang mga rebelde na pawang armado ng M16 at garand rifle sa mountain resort na pag-aari ng negosyanteng si Rey Reyes na matatagpuan sa Sitio Labas Pagsama, Brgy. San Isidro, Medina, Misamis Oriental.

Nabigo naman ang mga rebelde na matagpuan sa lugar si Reyes at dahil dito’y binantaan ang caretaker na si Paquito Balabas na isasabotahe ang negosyo ng nasabing negosyante kapag di nagbayad sa kanilang grupo ng revolutionary tax.

Ang sumalakay na mga rebelde ay pinamumunuan umano ng isang Commander Buyoy na aktibong nag-operate sa nasabing lugar.

Bago tuluyang nagsitakas ay binantaan rin ng mga rebelde na papaslangin sina Reyes kapag inireport sa himpilan ng militar na may 4 kilometro lamang ang layo sa lugar ang insidente.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa grupo ng mga tumakas na rebelde. (Ulat ni Bong Fabe)

vuukle comment

BONG FABE

COMMANDER BUYOY

MEDINA MUNICIPAL POLICE STATION

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

ORO CITY

PAQUITO BALABAS

REY REYES

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with