^

Probinsiya

2 lalaki hinatulan ng bitay

-
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Hinatulan ng mababang korte ng dalawang bitay ang isang lalaki makaraang mapatunayang humalay sa isang apat-na-taong gulang na batang babae noong Hulyo at Agosto 1995 sa Barangay Water, Baco, Oriental Mindoro. Sa 20-pahinang desisyong nilagdaan ni Judge Tomas Leynes ng Regional Trial Court Branch 40, ipinataw kay Leonito Lorenzo ang 2 counts of qualified rape.

Bukod sa dalawang bitay sa lethal injection death chamber sa New Bilibid Prisons (NBP) ay pinagbabayad din ang akusado ng P3 milyon sa biktima bilang kabayaran sa danyos perwisyo. Base sa mga ebidensyang isinumite sa korte, lumalabas na unang isinagawa ang maitim na balak laban sa biktima noong Hulyo 24, 1995 at naulit noong Agosto 17, 1995. Awtomatiko namang isusumite sa Korte Suprema ang hatol ng mababang korte para rebisahin. (Ulat ni Edith G. Plata)

vuukle comment

AGOSTO

AWTOMATIKO

BARANGAY WATER

EDITH G

HULYO

JUDGE TOMAS LEYNES

KORTE SUPREMA

LEONITO LORENZO

NEW BILIBID PRISONS

ORIENTAL MINDORO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with