^

Probinsiya

3 pulis-Cavite nanggulpi ng abogado

-
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang tatlong pulis ng General Mariano Alvarez makaraang magsampa ng reklamo sa National Police Commision (Napolcom) ang ginulping abogado noong Abril 25, 2003 ng gabi sa nabanggit na bayan.

Sa isinampang reklamo sa Napolcom ni Atty. Arturo Vosotros, nakilala ang mga suspek na sina SPO1 Senen Echavarria, P01 Roel Agrimano at PO1 Edward Hernandez.

Ayon sa reklamo ni Atty. Vosotros sa opisina ng Inspection Monitoring and Investigation Services (IMIS), naitala ang pangyayari dakong alas-10:30 ng gabi noong Abril 25, 2003 sa naturang bayan.

Napag-alaman sa reklamo ni Vosotros na naging kalaban ng mga suspek ang kanyang kliyente sa kaso at pinagsabihan siya ng tatlong pulis na iurong na ang kaso laban sa kanila.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Atty. Vosotros at tatlong pulis hanggang sa mairita ang mga suspek at pagtulungang gulpihin ang biktima.

Hindi pa nakuntento sa ginawang pangyayari ay nilagyan pa ng tubig na may sili ang toy gun saka binaril sa mata kaya nagsisigaw ang biktima.

Posibleng masibak sa puwesto ang tatlong pulis kapag napatunayan ng Napolcom ang isinampang reklamo ni Atty. Vosotros. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABRIL

ARTURO VOSOTROS

EDWARD HERNANDEZ

GENERAL MARIANO ALVAREZ

INSPECTION MONITORING AND INVESTIGATION SERVICES

LORDETH BONILLA

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISION

ROEL AGRIMANO

VOSOTROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with