^

Probinsiya

Kaso vs Candaba mayor ibinasura ng Ombudsman

-
Ibinasura ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for Luzon ang kasong grave misconduct at dishonesty na isinampa ng bise alkalde at dalawa pang konsehal laban sa Mayor ng Candaba, Pampanga.

Inaprubahan ng Ombudsman ang rekomendasyon ni Director Emilio Gonzales III upang linisin ang pangalan ni Mayor Normita Evangelista sa bintang na isinampa laban dito nina Vice Mayor Daniel Gallardo at konsehal na sina Joe San Jose at Jacinto Alabado.

Nag-ugat ang usapin sa ginawang pagbili ng Bayan ng Candada ng isang backhoe/loader bilang tugon sa ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Bayan. Pinalalabas ng complainants na ang pagkakabili ng nasabing mamahaling mga heavy equipments ay maanomalya dahilan wala umanong naganap na bidding ukol dito at kung mayroon man ay mayroong irregularidad.

Bilang sagot sa nasabing akusasyon, inilahad ni Evangelista ang audit report ni State Auditor III Erlinda Darwin na nagpapatunay na tama ang proseso sa pagkakabili ng nasabing mga kagamitan at ito ay dumaan sa Local Prequalifications, Bids and Awards Committee ng nasabing bayan.

Lumalabas pa na ang pagkakasampa ng naturang paratang ,ayon na rin sa pag-aaral ng Commission on Audit (COA) ay hindi pumapabor sa mga complainants.

vuukle comment

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

DEPUTY OMBUDSMAN

DIRECTOR EMILIO GONZALES

ERLINDA DARWIN

JACINTO ALABADO

JOE SAN JOSE

LOCAL PREQUALIFICATIONS

MAYOR NORMITA EVANGELISTA

SANGGUNIANG BAYAN

STATE AUDITOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with