^

Probinsiya

36 MILF patay sa mga sniper

-
PIKIT, North Cotabato - Tinatayang aabot sa 36 na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naman ang napatay ng mga sundalong sniper sa panibagong bakbakan sa hangganan ng Pikit at Pagalungan, Maguindanao sa Buliok complex kamakalawa ng gabi hanggang kahapon.

Samantala, sa panig ng militar ay nasawi naman si Cpl. Nicanor Obrero mula sa 8th Marine Battalion Landing Team habang walo namang sundalo ang sugatan sa panibagong pag-atake ng mga rebelde sa nakubkob ng militar na Buliok complex.

Ayon kay Army Major Julieto Ando, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, tinangka ring sakupin ng mga rebelde ang itinayong military detachment ng 40th Infantry Battalion, ngunit wala namang nagawa ang MILF kundi umatras.

Narekober naman ng militar ang shoulder-fired rocket launcher, tatlong B-40 anti-tank rocket at iba’t ibang uri ng bala ng baril na inabandona ng mga rebelde.

Ipinakalat na ang tropa ng 6th Marine Battalion Landing Team mula sa Sulu para bantayan ang perimeter ng Buliok complex.

Dahil sa paulit-ulit na pagtatangka ng MILF na bawiin ang Buliok complex ay inalerto na ang buong puwersa ng miltar sa Pikit at Pagalungan hanggang sa Narciso Ramos Highway sa Matanog, Maguindanao. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

BULIOK

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NARCISO RAMOS HIGHWAY

NICANOR OBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with