^

Probinsiya

Ama pinatay ng sariling anak

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Isang 71-anyos na ama ang kumpirmadong nasawi makaraang saksakin ng balisong ang biktima dahil sa pagkairita sa kanyang ama kamakalawa ng hapon sa Barangay La Torre.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Maliwat Hospital ang biktimang si Felipe Villamar dahil sa malalim na tama ng patalim sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Romeo Villamar, 31, may asawa na pinaniniwalaang lango sa droga nang isagawa ang pamamaslang sa kanyang ama.

Sa nakalap na ulat kay P/Chief Insp. Sidney Villafor, chief of police ng Talavera, naitala ang krimen bandang ala-1:40 ng hapon matapos na komprontahin ng biktima ang kanyang anak dahil sa ginawang pananakit nito sa nakababatang kapatid na si Randy.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, nagkasagutan pa ang mag-ama hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspek sa kanyang sariling ama. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AYON

BARANGAY LA TORRE

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

FELIPE VILLAMAR

ISANG

MALIWAT HOSPITAL

NUEVA ECIJA

ROMEO VILLAMAR

SIDNEY VILLAFOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with