^

Probinsiya

Cell site ng Globe pinasabog ng NPA

-
Masbate City – Pinasabog ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos hagisan ng homemade bomb ang compound ng Globe cell site na ikinasunog ng supply room nito kamakalawa ng gabi sa Sitio San Roque, Brgy. Nursery sa lungsod na ito.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 9:30 ng gabi.

Sa lakas ng pagsabog ay nasunog ang supply room na tinatayang umaabot sa halagang P500,000 ang halaga ng napinsala.

Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga suspek na mabilis na tumakas sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpapasabog ng naturang cell site na pinaniniwalaan ring may kinalaman sa pangingikil ng mga ito ng revolutionary tax. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ED CASULLA

MASBATE CITY

NEW PEOPLE

PINASABOG

SITIO SAN ROQUE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with