^

Probinsiya

5 NPA, 2 militar patay sa encounter

-
DAVAO – Limang rebeldeng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo ng Philippine Army ang iniulat na nasawi makaraan ang dalawang oras na encounter sa kagubatang sakop ng Mati at Davao Oriental sa katimugang bahagi ng bansa, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat na nakalap kay P/Chief Supt. Catalino Cuy, police provincial director na nagsasagawa ng routine patrol ang magkasanib na tropa ng militar at pulisya nang atakihin sila ng hindi nabatid na bilang ng mga rebeldeng NPA noong Sabado.

Sinabi ni Cuy na apat na sundalo ng militar ang nasugatan at pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan.

Bunsod ng kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay paigtingin pa ang pakikibaka laban sa rebeldeng NPA matapos na mapatay ang dating NPA kumander na si Romulo "Ka Rolly" Kintanar.

Si Kintanar ay nakikipagtulungan sa gobyerno sa isinasagawang peace talks bago pa mapatay noong nakalipas na buwan habang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City. (Ulat ng AFP)

vuukle comment

BUNSOD

CATALINO CUY

CHIEF SUPT

DAVAO ORIENTAL

KA ROLLY

NEW PEOPLE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE ARMY

QUEZON CITY

SI KINTANAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with