Rookie cop todas sa NPA
November 25, 2002 | 12:00am
PUERTO GALERA, Mindoro Tinambangan at napatay ang bagitong pulis ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nagmomotorsiklo patungo sa kanilang barracks sa kamakalawa ng umaga.
Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni PO1 Robin Dalangin ng Puerto Galera police station, samantala, ang tatlong rebelde ay sumakay ng traysikel matapos isagawa ang pananambang patungo sa direksyon ng Barangay Aninuan.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-10 ng umaga makaraang maiwan ng biktima ang kanyang cellphone at balikan nito.
Dito na inabangan ang biktima na nagmomotorsiklo at nilapitan ng dalawang rebelde habang nakahinto sa mataong kalsada.
Ayon pa sa ulat, tinangay ng mga nagsitakas na rebelde ang kalibre .45 baril ng biktima.
May teorya ang mga imbestigador na target ng mga rebelde ang lahat ng pulis na matiyempuhan na nag-iisa sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended