^

Probinsiya

15 dumukot sa turista pawang mga NBI agents

-
Pinaniniwalaang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kumidnap sa limang turista at dalawang Pinoy sa tinutuluyang hotel sa Pagsanjan, Laguna noong Lunes ng umaga, Sept. 16, 2002 at napalaya lamang matapos na magbigay ng P.2-milyon.

Si Larry Ferrer, 29, na kumpirmadong confidential agent ng NBI ay sinibak na ni Director Reynaldo Wycoco dahil sa pagkakasangkot nito sa naganap na kidnapping, samantala, si Oscar Lacbay, 41, na asset ng mga ahente ng NBI ay kasalukuyang isinasailalim sa interrogation ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Arnulfo Espiritu, Laguna PNP provincial director.

Napag-alaman sa source ng PSN sa loob ng tanggapan ng NBI sa Maynila, lumalabas na si Ferrer ang ipinain ng mga ahente ng NBI sa isinagawang lehitimong operasyon dahil siya ang lowest mammals sa grupo.

May posibilidad na kumukuha lamang ng tiyempong itumba sina Ferrer at Lacbay ng grupo upang hindi kumanta dahil sa siguradong sibak, kulong at posibleng hatol na bitay ang kahihinatnan, ayon pa sa source.

Magugunitang kinidnap ang mga biktima bandang alas-10:40 ng umaga sa tinutuluyang Rapids Hotel ng grupo ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga ahente ng NBI at isinakay sa Isuzu Highlander na kulay maroon (WLE-601), samantala, sina Michelle Afable at Antonio Villanueva ay isinakay naman sa van (THH-861).

Nasaksihan ng head waiter na si Steve Bombay ang pangyayari kaya mabilis na naipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Nakilala naman ang limang turistang kinidnap na sina Bayden Magakhia, Fred Nathan at Brett Moshiem na taga New Zealand; mag-asawang Tiger at Kris Lee na taga-Australia at dalawang Pinoy na nagsilbing tourist guide.

Hindi binanggit ng source kung saang sangay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ahente na nagsagawa ng lehitimong operation na walang koordinasyon sa kapulisan ng Laguna. (Ulat ni Mario Basco)

vuukle comment

ANTONIO VILLANUEVA

ARNULFO ESPIRITU

BAYDEN MAGAKHIA

BRETT MOSHIEM

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

FRED NATHAN

ISUZU HIGHLANDER

KRIS LEE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with