2 CVO nilikida ng MILF rebels

Dalawang kasapi ng Civilian Volunteer Organization (CVO) ang napaulat na nasawi, samantala, dalawa pang kasamahan ang malubhang nasugatan makaraang atakihin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Purok Gumamela. Barangay Pimbalayan, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga.

Kaagad na napatay sina Mamad Musil, 30 at Japlos Limba, 42, samantala, sina Mando Gampong, 48 at Uyag Bitol, 22, ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa maraming tama ng bala ng baril.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sinalakay ng mga rebeldeng MILF na pinamumunuan ni alyas Datu Puti ang nabanggit na barangay bandang alas-5:20 ng umaga at walang habas na nagpaputok na ikinasawi ng dalawa. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments