^

Probinsiya

10-anyos napatay dahil sa trapik

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Matinding trapik at pagkalubog ng gulong ng isang pick-up van ang naging ugat ng maagang kamatayan ng sampung taong gulang na batang babae matapos na mabaril sa ulo ng drayber habang nakasakay ang biktima sa isang van sa Brgy. Santiago sa bayang ito kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa General Trias Pediatric and Maternity Clinic ang biktimang si Lizel Sion ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na kaagad namang pinaharurot ang kanyang sasakyan ay nakilalang si Antonio "Toto" Rosales, may sapat na gulang at hindi nabatid ang tirahan.

Hindi naman nakuha ang numero ng plaka ng sasakyan ng suspek sa hindi nabatid na dahilan.

Naganap ang krimen bandang alas-6:45 ng umaga habang nasa matinding trapik ang sasakyan ng suspek at sinasakyan ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon ni SPO1 Victorino Patam, minasama at nairita ang suspek sa pagkakatingin ng drayber na sinasakyang van ng biktima dahil sa nalubak ang gulong nito sa kanal.

Dito na nagsimulang bunutin ang baril ng suspek at pinaputukan ang drayber ngunit sa ulo ng biktima tumama na ikinasawi nito. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DITO

GENERAL TRIAS PEDIATRIC AND MATERNITY CLINIC

IDINEKLARANG

LIZEL SION

MADING SARMIENTO

MATINDING

VICTORINO PATAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with