Kolektor ng taya nilikida

LINAMON, Lanao del Norte – Isang kolektor sa mga mananaya sa sugal ang kumpirmadong tinodas ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang sakay ng kanyang motorsiklo at nangongolekta ng taya sa Barangay Puntod, Matungao sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ginulpi saka pinagbabaril ang biktimang si Aproniano Muñez, 42, samantala, ang kasama nitong si Dodong Villasana ay nakaligtas matapos na magtatakbo palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Walang lumantad na testigo sa naganap sa krimen dahil sa takot na madamay.

May palagay ang mga awtoridad na ang mga killer ay tauhan ng isang gambling lord na karibal ng biktima sa pangongolekta sa taya ng sugal na masiao. (Ulat ni Lino dela Cruz)

Show comments