^

Probinsiya

Anak pinatay ng ama

-
CLAVERIA, Masbate Isang magsasakang mister ang nasawi ng pagsasaksakin ng kanyang sariling ama na matapos na ang dalawa ay mag-away sa Sitio Lapus-Lapus, Brgy. Quezon sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Randy Bocales, 28, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Samantala ang suspek na ama na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ay kinilalang si Francisco Bocales Jr., 50, may-asawa, magsasaka at residente din ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi habang ang mag-ama ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa lupa na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nabatid na bago naganap ang pananaksak ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang kumprontahin ito.

Napag-alaman na gusto nang makuha ng biktima ang lupa na para sa kanya na mamanahin upang ito ay masaka na para sa ikabubuhay ng kanyang pamilya.

Subalit tumanggi ang ama sa ibig na mangyari ng anak kung kaya ang dalawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na naging dahilan upang ikagalit ng ama.

Habang nagsasagutan ay bigla na lamang na nagbunot ng kutsilyo ng suspek at walang sabing inundayan nang sunud-sunod na saksak sa katawan ang biktima.

Kaagad naman na bumulagta ang biktima sa lupa at agad ding binawian nang buhay.

Nang mabatid ng suspek na kanyang napatay ang sariling anak ay agad naman na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang isuko ang sarili at panagutan ang nagawang krimen.

Sa kasalukuyan isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

BRGY

ED CASULLA

FRANCISCO BOCALES JR.

HABANG

ISANG

KAAGAD

MASBATE

RANDY BOCALES

SITIO LAPUS-LAPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with