^

Probinsiya

Manager ng kumpanya patay sa ambush

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang operation manager ang iniulat na nasawi habang ang kasama nitong tauhan ay himalang nakaligtas makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalaki-han sa kahabaan ng Brgy. Iba Maycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ramon Villareal, 49, may asawa ng Sto. Domingo, Quezon City, habang ang kasamahan naman nito ay nakilalang si Rowena Tipan, 27, dalaga at kapwa empleyado ng kompanyang Triple "C" marketing.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktimang nasawi ang isang Mercedez Benz (NGP-493) kasama si Tipan ang kahabaan ng naturang highway dakong alas-6 ng gabi.

Habang tumatakbo ang sasakyan ng dalawa ay bigla na umanong tinabihan ng kotseng kulay blue gray (KIA) na walang plaka at sunod-sunod na nagpaputok na ikinasawi ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen na pinalalagay na mga upahang mamamatay-tao ang mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BRGY

BULACAN

DOMINGO

EFREN ALCANTARA

HABANG

IBA MAYCAUAYAN

MERCEDEZ BENZ

QUEZON CITY

RAMON VILLAREAL

ROWENA TIPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with