^

Probinsiya

Totoy na nagtitinda ng mineral water, nagulungan ng bus

-
BAAO, Camarines Sur – Isang 12 anyos na batang lalaki na tindero ng mineral water ang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan matapos magulungan ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng hapon sa Barangay San Nicolas ng bayang ito.

Ang biktima na dead on arrival sa St. Rafael Medical Hospital ay nakilalang si Michael Alba,at residente ng nasabing lugar.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng bus na suspek na si Oriel Madrid, 41, may-asawa, ng Sto. Cristo, Tabaco City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon ay inilalako ng biktima ang kanyang tindang mineral water sa loob ng pampasaherong bus (EVE-551) na minamaneho ni Madrid.

Habang tumatakbo ang bus ay bigla na lamang tumalon ang biktima at sa pagbagsak nito sa kalsada ay aksidente itong nadulas at natihaya na naging dahilan para ito ay masagasaan ng hulihang gulong ng bus.

Kaagad namang itinigil ng suspek ang bus nang magsigawan ang mga pasahero na nakakita sa pagkaipit ng biktima.

Agad na kinuha ng mga nagmagandang loob ang biktima sa ilalim ng bus para isugod sa ospital na agad namang namatay habang ito ay dinadala. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY SAN NICOLAS

BATAY

BUS

CAMARINES SUR

CRISTO

ED CASULLA

MICHAEL ALBA

ORIEL MADRID

ST. RAFAEL MEDICAL HOSPITAL

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with