^

Probinsiya

2 holdaper ng bus timbog

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Dalawang pinaniniwalaang miyembro ng mga kilabot na holdaper na responsable sa mga serye ng panghoholdap sa loob ng mga pampasaherong bus ang naaresto, makaraang mabigo ang mga ito na holdapin ang mga pasahero ng isang Baliuag Transit air-con bus na kinabibilangan ng isang pulis, habang binabagtas nito patungong Nueva Ecija ang kahabaan ng North Luzon Expressway, sa may bahagi ng bayan ng Bocaue, sa nabanggit na lalawigan, kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, nakilala ang dalawang nadakip na sina Juanito Java, 47 at Benjie Rostata, 32, isang construction worker at kapwa residente ng Barrio Camarin, sa lungsod ng Caloocan.

Nakilala naman ang pulis na pasahero na nakaaresto sa dalawang suspek na si PO2 Florentino Almayda, 28, at naka-assign sa PNP-SAF, sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig, Metro Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-12 ng tanghali habang binabagtas ng bus na may body number 2578, ang kahabaan ng nasabing highway nang magdeklara ng holdap ang dalawang suspek at pagkaraan ay tutukan ng isang .45 kalibreng baril ng isa sa suspek ang naturang pulis at pilit na inaagaw dito ang kanyang service firearm na isang 9mm Piettro Berreta.

Dahilan sa bilis ng mga pangyayari ay nagawa naman ng biktimang pulis na makuha sa suspek ang hawak nitong baril na naging daan naman upang mag-react na rin ang ibang mga pasahero na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper.

Ang mga naaresto ay detenido ngayon sa Bulacan Provincial Jail at sinampahan ng mga kasong robbery hold-up at usurpation of authority. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALIUAG TRANSIT

BARRIO CAMARIN

BENJIE ROSTATA

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL JAIL

CAMP BAGONG DIWA

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

FLORENTINO ALMAYDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with