^

Probinsiya

May-ari ng beach resort kinidnap

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang negosyanteng Koreana na nagmamay-ari ng beach resort sa Laguna ang iniulat ng kinidnap ng limang hindi kilalang armadong Kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagong Kalsada, Calamba, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jung Ok Oh, nasa hustong gulang at may-ari ng Seoal Country Sales Resort sa Los Baños.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na naganap ang pangyayari dakong alas-11:10 ng gabi sa loob mismo ng nasabing beach resort.

Sapilitan isinakay sa kotseng Daewoo Espiro (VHE-7530) na pag-aari ng asawang si Woo Goon Kun at pinaharurot sa hindi nabatid na direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nagpapahinga ang mag-asaawang Korean national sa labas ng kanilang beach resort ng biglang dumating ang mga suspek na namataan naman ni Woo at hindi na nakuha pang abisuhan ang asawa.

Dahil sa takot ay nagmamadaling pumasok sa kanilang bahay at naiwan mag-isa ang biktima na siyang napagtuunan ng mga suspek.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na humihingi ang mga kidnaper ng P1 milyon kapalit ng kalayaan ni Jung Ok Oh. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY BAGONG KALSADA

CALAMBA

DAEWOO ESPIRO

DAHIL

ED AMOROSO

ISANG

JUNG OK OH

LOS BA

SEOAL COUNTRY SALES RESORT

WOO GOON KUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with