^

Probinsiya

Kandidato naaktuhan sa vote buying

-
LEGASPI CITY — Isang kandidatong alkalde ng Laban ng Demoktratikong Pilipino (LDP) sa San Andres, Catanduanes, kasama ang pitong suporter nito ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya noong Linggo ng gabi makaraang maaktuhang namimili ng boto sa mga residente ng Brgy. Manamrag nabanggit na lugar.

Ang suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Catanduanes PNP ay nakilalang si Leo "Nonong" Mendoza habang inaalam pa ang pangalan ng pito nitong kasamahan .

Ayon sa ulat ng pulisya, dinakip si Mendoza kasama pa ang pitong suporter nito kahit na walang warrant of arrest dahil naaktuhang namimigay ang mga suspek ng envelope na naglalaman ng halagang P400 na may kasamang sample ballot sa mga residente dakong alas-8 ng gabi, kamakalawa.

Sinabi ni Catanduanes P/Director Supt. Charles Calima na habang nagpapatrulya ang isang mobile patrol ay napansin nitong may nagkakagulong mga residente sa grupo ni Mendoza.

Nang puntahan ng mga kagawad ng pulisya ay nasaksihan nilang namimigay ng envelope si Mendoza sa mga residente kaya kaagad nilang inaresto ito.

Pinayagan namang makaboto si Mendoza ni Catanduanes election supervisor Jane Balesa habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa akusado. (Ulat ni Cet Dematera)

vuukle comment

CATANDUANES

CATANDUANES P

CET DEMATERA

CHARLES CALIMA

DEMOKTRATIKONG PILIPINO

DIRECTOR SUPT

JANE BALESA

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with