^

Probinsiya

Spanish galleon nadiskubre sa karagatan ng Zambales

-
STA. CRUZ, Zambales — Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadiskubre ng ilang mga mangingisda ang isang "wreckage" ng isang "Spanish Galleon" na pinaniniwalaang lumubog pa noong 16th Century na kabilang sa mga galleon na pandigma ni Portuguese Conqueror Gubernador Heneral Juan Miguel Lopez de Legazpi.

Ayon sa natanggap na ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) District-National Capital Region-Central Luzon Commodore Reuben Doria mula kay Zambales Coast Guard Chief Lt. Commander Pablo Gonzales, inilarawan ng mga ito ang nadiskubreng "wreckage" ng nasabing galleon na nasa ilalim ng dagat, may 100 hanggang 150 talampakan na matatagpuan sa pagitan ng Hermana Mayor at Hermano Minor Islands 6 Nautical Miles Hilagang bahagi ng Sta. Cruz, Zambales.

Ang naturang "wreckage" ay nadiskubre ng ilang mga lokal na mangingisda na gumagamit ng "compressor" habang ang mga ito ay nangingisda sa ilalim ng karagatan.

Ayon kay Gonzales, nagbuo kaagad sila ng isang grupo ng specialized deep sea divers mula sa Coast Guard at nagsasagawa na ng isang operasyon sa ilalim ng dagat.

Sa isinagawang operasyon ay nakakuha ang mga deep-sea divers ng ilang piraso ng mamahaling kagamitan tulad ng Chinese porcelain artifacts, jars, dinner wares, potteries at ilang piraso ng ginto.

Nagsumite na ang tanggapan ng Coast Guard sa kanilang main headquarters sa Manila ng ilang mga artifacts mula sa nadiskubreng galleon at nag-request na sila ng mga representante mula sa National Museum para sa carbon dating at analysis.

Bunsod nito ay mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Coast Guard ang lugar upang mapigilan ang mga private divers na manghimasok sa natagpuang galleon at manguha ng mga artifacts nito. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AYON

COAST GUARD

COMMANDER PABLO GONZALES

DISTRICT-NATIONAL CAPITAL REGION-CENTRAL LUZON COMMODORE REUBEN DORIA

HERMANA MAYOR

HERMANO MINOR ISLANDS

JEFF TOMBADO

NATIONAL MUSEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with