^

Police Metro

Marcos inaprubahan ang pasukan sa July 29

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos inaprubahan ang pasukan sa July 29
Students use umbrellas to protect themselves from the sun as they line up to wait for their classes outside their school in Manila on April 2, 2024. More than a hundred schools in the Philippine capital shut their classrooms on April 2, as the tropical heat hit "danger" levels, education officials said.
AFP/Jam Sta Rosa

Sa school year 2024-2025

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pabubukas ng klase sa July 29, 2024 at magtatapos sa April 15, 2025 para sa school year 2024-2025.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang hakbang ng pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng publiko na ibalik ang pasok sa es­kwela sa da­ting nakagawian na school ca­lendar.

Sa sectoral meeting ng pangulo sa Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte na kalihim ng DepEd, inaprubahan ang pagbubukas ng klase ng Hulyo 29, 2024 at magtatapos ng Abril 15, 2025.

Ito ang simula nang dahan-dahang pagbalik sa school year na Hunyo ng kada taon at magtatapos ng Marso ng susunod na taon.

Sa naturang sectoral meeting, iprinisinta ng Bise Presidente sa pa­ngulo ang dalawang opsyon para sa pagbabago ng calendar year, kung saan ang unang opsyon ay binubuo ng 180 school days na may 15 in person Saturday classes habang ang ikalawang opsyon ay 165 school years na walang in person Satur­day classes na parehong magtatapos ang School Year March 31, 2025.

Subalit, sinabi ng Pa­ngulo na ang 165-day school calendar ay mas­yadong maiksi at mababawasan ang bilang ng school days at maaa­ring makompromiso ang resulta ng kaalaman ng mga estudyante.

Ayaw din anya ng Pangulo na pumasok ang mga estudyante ng Sabado para makumpleto ang 180-day school calen­dar dahil malalagay sa alanganin ang well being ng mga estudyante at mga guro at nangangailangan din ng resources.

Dahil dito, kaya inadjust ng DepEd ang pagtatapos ng klase mula sa Marso 31, 2025 ay ginawa itong Abril 15, 2025 para makumpleto ng mga estudyante ang 180 days kahit walang klase ng Sabado.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with