^

Police Metro

‘Bato’ kinastigo sa ‘PDEA leaks’

Joy Cantos - Pang-masa
�Bato� kinastigo sa �PDEA leaks�
Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa in the Senate on this photo uploaded on his official Facebook fanpage.
Photo from the Office of Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Binanatan ng mga kapwa mambabatas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite kaugnay sa “PDEA leaks” kahit wala naman umanong naihahain pang matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang ilang nakasalang na personalidad.

Binigyang diin ni House Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, hindi dapat na bumabase si Dela Rosa sa mga sabi-sabi lamang, sa pag-iimbestiga nito sa mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Mas mataas ang ating inaasahan mula sa Senate leadership... Bakit pa natin pinag-uusapan ang dokumento kung leak lang?” tanong ni Suarez.

Sinabi rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kahit karapatan ng isang Senate committee na magsagawa ng mga pagdinig, hindi naman aniya dapat na mauwi ito sa isang political circus o political witch hunt.

“Puro haka-haka lang, wala pa talagang ebidensya,” ani Zubiri.

Tinawag namang “jukebox” ni Pangulong Ferdinando Marcos si ex-PDEA agent Jonathan Morales na siyang pinagmulan ng PDEA leaks dahil “tutugtog ito ng kahit na anong kanta basta hinulugan ng barya.”

Ayon sa Pangulo, hindi niya pag-aaksayahan ng oras ang mga kasinungalingan ng isang taong walang ni katiting na kredibilidad at maituturing na isang “professional liar”. Kanya ring kinuwestiyon ang record ni Morales na napakaraming kaso sa hukuman, mga maling salaysay, at reklamo mula sa mga inosenteng indibiduwal.

Si Morales ay sinibak bilang isang pulis at bilang isang PDEA agent dahil sa mga katiwalian, kamakalian, at hindi pag-akto sa serbisyo bilang isang tunay na alagad ng batas. -

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with