^

Police Metro

BFAR execs kasuhan sa P2 bilyong vessel monitoring deal - Ombudsman

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasasampahan ng Office of the Ombudsman ng mga kasong graft ang mga kasalukuyan at dating pinuno ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) kaugnay ng P2.09 bilyong kontrata na ibinigay sa isang Bri­tish company para magsuplay ng teknolohiya at mga kagamitan para sa Integrated Marine Environment Monitoring System Project Phase 1 (PHILO Project). Nakita ng Ombudsman na may probable cause para isakdal sina dating DA Usec. for Fisheries at BFAR National Director Eduardo B. Gongona,BFAR National Director Demos­thenes R. Escoto, at Simon Tucker, ang chief executive officer ng SRT Marine Systems Solutions Ltd.-United Kingdom (SRT-UK) para sa dalawang kaso ng paglabag sa Sec. 3(e) ng Republic Act (RA) 3019 o ang “Anti-Graft and Corruption Practices Act” at tig-isa naman para sa Secs. 3(g) at 3(j).

Si Escoto ay sinibak sa serbisyo ng Ombudsman kamakailan lamang matapos mapatunayang guilty ng grave misconduct kaugnay ng transaksiyon.

Ang PHILO Project ay inisyal na popondohan ng utang mula sa pamahalaan ng France at nagkakahalaga ito nang P1.6 bilyon,subalit may kondisyon na dapat na French o may ka-joint venture na isang French company ang mga bidders.

Noong 2017, idineklarang winning bidder ng DA-BFAR ang SRT-France, isang subsidiary ng SRT-UK, subalit hindi ito kinilala ng gobyerno ng France dahil British ang nagmamay-ari ng kompanya.

Natuklasan din na isang buwan pa lamang na naitatayo ang SRT-France at wala itong mga pasilidad sa France kung kaya kumalas na lamang sa loan agreement ang French government.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with