^

Police Metro

Bulkang Taal nag-alboroto, nagtala ng 5 pagsabog

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas nang makapagtala ito ng limang phreatic eruptions sa nakalipas na 24 oras,  ayon sa Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Ayon sa Phivolcs, ang pagsabog ay naitala mula alas -12 ng madaling araw ng biyernes hanggang alas 12 ng madaling araw ng sabado na ang pinakahuling eruption ay tuma­gal ng 13 minuto.

Ayon sa Phivolcs, may apat na discrete phreatic o steam-driven eruption events  ang naitala sa Taal. Ang  eruption events ay naitala ng  Taal Volcano Network (TVN) mula 9:45  ng umaga hanggang alas 3:22 ng hapon.

May naitala ding 15 volcanic earthquakes kasama na ang 6 na volcanic tremors­  mula alas-12 ng madaling araw ng biyernes  hanggang alas-12 ng madaling araw ng sabado na tumagal nang dalawa hanggang apat na minuto.

Nakapagtala rin ang bulkan ng pagluwa ng 9,677 tonelada ng asupre at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng Taal.

Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 1 ang status ng Taal Volcano.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa malapit sa Main Crater at Daang Kastila fissures. Bawal ding magpalipad ng anumang aircraft  malapit sa bunganga ng bulkan dulot nang banta ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, slight ashfall at pagluwa ng  gas.

vuukle comment

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with