Unemployment rate bumaba sa 3.5 percent noong Pebrero - PSA
MANILA, Philippines — Bumaba sa 3.5 percent ang unemployment rate sa bansa noong Pebrero ngayong taon mula sa 4.5 percent noong Enero.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ito ay nangangahulugan na nasa 1.8 milyon na may edad 15 anyos pataas ang jobless sa bansa. Idinagdag pa ng PSA na mas mababa sa naitalang 2.47 milyon noong Pebrero 2023 at 2.45 milyon noong Enero ngayong taon. Noon ding Pebrero, nasa 96.5 percent ang employment rate sa bansa mula sa 95.5 percent noong Enero na may katumbas na 48.95 milyon na mas mataas sa 48.80 milyon noong Pebrero 2023 at 45.94 milyon noong Enero.
- Latest